Kabanata 148
Pagkatapos mapahiya, umuwi si Ling Yiran sa maliit niyang apartment. 'Ilang araw palang ang lumilipas simula noong magbagong tao, pero parang dekada na ang nagdaan sa sobrang daming nangyari..
Pinagmasdan niya ang kanyang buong apartment, at muli niyang naramdaman ang sobrang lungkot na aura nito. 'Mula ngayon, mag-isa nalang ako ulit...
'Wala nanaman akong makakasamang matulog at makakakwentuhan.... Wala na rin yung 'Jin' na maghihintay sa akin at masayang babati ng 'Ate!' tuwing umuuwi ako.
Napabuntong hininga nalang siya at kumuha ng malinis na damit para maligo bago siya magligpit.
'Kahit na ilang buwan lang na tumira dito si Yi Jinli, sobrang dami niyang iniwang bakas.... Lahat ng mga pinagkakainan niya, yung twalya niya, at kahit yung toothbrush, mag damit at sapatos na ginagamit niya....'
Isa-isa niyang kinuha ang mga ito at isinilid sa loob ng isang kahon.
'Bakit ko 'to itatapon? Oo, pwedeng kalat nalang 'tong mga 'to ngayon, pero mahalaga 'to sakin kasi masaya akon

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil