Kabanata 18
Hindi maipinta ang itsura ni Hao Yimeng sa sobrang gulat. “A…a…ano? Gustong makita ni Yi Jinli si Ling Yiran?”
Bilang miyembro ng Hao family, alam niya na wala naman talagang malalim na namagitan kay Yi Jinli at sa kapatid niya, at kaya lang naman ito pinili ay dahil para sa dalawang pamilya, ang kapatid niya lang ang pinaka swak na maging asawa ng mga Yi.
Kaya noong lamay ng kapatid niya, kalmado lang ang itsura nito na para bang normal na kakilala lang nito ang namatay.
Kaya nga mula noon, sa tuwing sumasagi sa utak niya si Yi Jinli ay iniisip niya kung ano ba eksakto ang mga nagpapalungkot, nagpapagalit, o nagpapasaya sa taong ‘to.
Pero ngayon…kitang kita niya ang galit sa mukha nito, na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya.
At dahil yun….Kay Ling Yiran?! Yung babaeng mas maliit pa ang tingin ng lipunan kaysa sa langgam?!
Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Xiao Zigi para sana tanungin kung anong nangyayari, pero kagaya niya, halatang gulat na gulat din ito.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil