Kabanata 215
Alam niya na hindi naman siya sisingilin ni Lianyi, pero hindi niya naman masikmura na hindi siya nagbabayad sa dami na ng naitulong nito sakanya.
Paulit-ulit na lumunod si Ling Yiran at gumapang papunta kay Ling Luoyin...
Hanggang sa nagumpisa ng magalit ang iba pang mga extra dahil paulit-ulit nalang sila. May ilan pa ngang sumisigaw ng dagdag na bayad at dapat hindi sila pinagtitripan ng ganun.
Nang makita ng direktor na naiinis na ang mga extra, tinawag na niya ang assistant direktor para kausapin si Ling Luoyin.
Nakaramdam naman si Ling Luoyin na siya na ang pinaguusapan kaya nagpanggap nalang siya na kunwari nagiisip, "Eh ito? Sa tingin ko okay na. Ang ganda ng posture niya at tamang tama ang timing niya. Bakit kaya hindi mo idemo Miss para makita ng ibang extra kung ano ang dapat nilang gawin."
Si Ling Yiran ang tinutukoy niya.
"Pero yun ay kung gugustuhin ng extra na 'to na idemonstrate sa lahat. Kasi kung mangyayari yun, mas mapapagod siya kumpara sa iba."

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil