Kabanata 220
Malamang dahil yun sa paggapang niya.
"Talaga? Lumuhod ka dahil sinabi nila?" Biglang nagalit si Gu Lichen.
"Bakit hindi? Hindi ba dapat ako pumayag? Kapag tumanggi ako, hindi ko makukuha ang sahod ko ngayong araw." Sagot ni Ling Yiran.
Biglang natigilan si Gu Lichen. Alam niya na sa lahat ng mga kasama sa film crew, ang mga extra ang mga pinaka dehado pagdating sa sahuran.
"Magkano daw ba ang ibabayad nila sainyo bawat araw?"
"80 yuan. Pero dahil luluhod kami, dadagdagan nila ng 50 yuan. At dahil pumayag akong idemo sakanila kung paano ang tamang pagluhod at pag gapang, dadagdagan nila ako ng 200 yuan."
Biglang nagbago ang istura ni Gu Lichen. 'Para sa 330 yuan, paulit-ulit kang gumapang?"
'Wala na ba talagang pakielam ang babaeng to sa sarili niya?'
"Nag away ba kayo ni Ling Luoyin?" Tanong ni Gu lichen dahil hindi siya naniniwala na hindi sadya ang ginawa ng girlfriend niya.
Wala namang nagsumbong pero normal lang kasi sa isang set na minamaliit ang mga extra. Alam

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil