Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 24

'Ahhh. baka malisyoso lang ako!' Sobrang naiilang na si Guo Xinli sa nakikita niya kaya nang makita niyang bumalik na si Ling Yiran sa pagwawalis ay nagmamadali siyang nagpaalam, "Yiran... sige mukhang marami kang ginagawa. Mauna na ako." Nang makita ni Yi Jinli na medyo nakalayo na si Guo Xinli, bigla siyang tumingin kay Ling Yiran at hinawakan ang baba nito, "Ayokong makakita na may ibang lalaking kausap ang ate ko." "Ano bang sinasabi mo jan? Wala akong gusto sakanya no!" Sagot ni Ling Yiran, na halos maiyak na sa sobrang tawa. "Pero ibig sabihin ba 'nun, wala na rin siyang gusto sa ate ko?" Tanong ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ling Yiran kung isasagot niya. "May gusto ba yung lalaking yun sa ate ko?" "Hmm... Oo. Pero nagpatulong na ako kay Manang Xu na ibasted siya, kaya hindi ko alam na pupuntahan niya pala ako ngayon dito." "Hindi bagay yung lalaking 'yun sayo. Kung ayaw mo sakanya, dapat sabihin mo sakanya ng diretso," naiinis na sagot ni Yi Jinli. At dahil sa rea

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.