Kabanata 265
Pagtalikod niya, napansin niyang nakasandal si Yi Jinli sa may pinto. Nakatitig ito sa kanya.
“Sino ang tumawag sayo?” Tanong nito habang papalapit sa kanya.
“Tatay ko,” sagot ni Ling Yiran. “Uuwi ako sa bahay bukas ng gabi kaya pwede bang sabihan mo ang driver na wag ako sunduin sa Sanitation Service Center?”
Nagkaroon ng pag-aalala sa mga mata niya. “Gusto mo bang samahan kita?”
Gulat niyang tiningnan ito. Samahan siya? Bakit siya nito sasamahan? Maliban pa rito, babalik lang siya para sa nanay niya.
“Huwag na, kaya kong umuwi mag-isa,”sabi ni Ling Yiran. “Late na, matutulog na ako.”
Ang ibig sabihin nito, pinapalis na niya siya.
Naningkit ang mata nito at hinawakan ang buhok niya. “Bakit ba ayaw mo sakin?”
Hindi makapagbigay ng sagot si Ling Yiran.
“Edi sabihin mo sakin ang kailangan kong gawin para tratuhin mo ulit ako katulad nang dati.” Kasing bango ng orchid ang hininga nito.
Gusto niyang ngumiti ito ng may pagmamahal at malambing itong magsalita katulad nang dati.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil