Kabanata 38
'Sobra yung mga pinagdaanan niya, pero bakit sa tuwing nagkwekwento siya, hindi ko mararamdaman ang sakit o ang lungkot.'
"Ate, balang araw kapag may nanakit ulit sayo, hindi ko talaga sila palalampasin." Pangako ni Yi Jinli.
Natawa si Ling Yiran sa sinabi ni Yi Jinli. Hinamas niya ang buhok nito na parang bata at sinabi, "Ikaw talaga, kung anu-anong tumatakbo sa isip mo. Kumain ka na jan." Pagkatapos magsalita, yumuko si Ling Yiran para magpatuloy kumain.
Habang si Yi Jinli naman ay nakatitig lang kay Ling Yiran, na may malalim na iniisip.
—
Kagaya ng inaasahan, gumulat nga sa buong Shen City ang balita, at taliwas sa gustong mangyari ni Hao Yimeng, hindi napigilan ng agency niya na lumabas ito.
Ang balita na nawawala ang mamahalin niyang singsing at inutusan niya ang mga sanitation workers na kalkalin ang mga basura para mahanap ito ay sobrang nagtrending sa internet.
Sa article na inilabas, may naka attach na picture niya na nakasuot ng mamahaling damit na nakatayo sa

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil