KABANATA 48
"May binabang utos ang management na hindi tayo pwedeng gumawa ng kahit anong balita tungkol kay Ling Yiran," sagot ng editor.
"Utos ba 'to ng mga Xiao?" Gulat na gulat na tanong ni Li Xinzheng. Hindi niya talaga maintindihan kung anong nangyayari. Noong gumawa siya ng article na ikakasira ni Hao Yimeng, pumayag ang editor pero ngayon na kasiraan ni Ling Yiran, hindi pwede?!
"Hindi galing sa mga Xiao. Wag ka na maraming tanong. Basta wag na wag kang magkakamali na maglabas ng balita tungkol kay Ling Yiran dahil hindi lang ikaw ang malilintikan kung sakali, kasi pati ako madadamay," Sagot ng editor.
Sa sobrang gulat, halos lumuwa na ang mga mata ni Li Xinzheng. Anong sabi ng editor....bakit parang ang OA naman na aabot talaga sa may mawawalan ng trabaho?
"Ling Yiran...sanitation worker lang naman siya diba? Sino namang gustong prumotekta sakanya?"
"Masyado ka pang bata. Sa mundong 'to, marami talagang nangyayari na hindi natin inaakalang posible palang mangyari," sagot ng edit

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil