Kabanata 537
Maliban pa rito, paano naman ang babaeng kasama ni Young Master Yi?!
Ang sitwasyon na ito ay paniguradong magdudulot ng chismis. Tiningnan ni Ling Yiran ang mga tingin ng iba sa kanila ni Lil Yan. Naintindihan niya kaagad ang iniisip ng mga ito.
“Um… mukhang may misunderstanding,” bulong ni Ling Yiran kay Yi Jinli.
Ngumiti si Yi Jinli. “Misunderstanding? Anong misunderstanding?” Playful ang boses nito.
Um… hindi ba niya makita ang pagtingin ng iba sa kanila? Kumurap si Ling Yiran at tinitigan si Yi Jinli, pero ang nagliliwanag at mapupungay na mga mata nito ay malinaw ngayon. Sa sobrang linaw nagmukha siyang… inosente.
Ang tanging nagawa lang ni Ling Yiran ay magrit ng ngipin at mamula, sinabi niya, “Iniisip nila na si Lil Yan ay anak natin!”
“Edi hayaan mo silang isipin ito,” walang bahalang sabi ni Yi Jinli.
Huh? Nagulat si Ling Yiran. Hayaan nalang sila na isipin ito ng ganun? Appropriate… ba ito? “Pero…”
“Walang pero,” sabi ni Yi Jinli. “Malapit na rin naman tayo magkaanak.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil