Kabanata 64
"Malalaman niyo po kapag nagkita na kayo ni Young Master Yi." Nakangiting sagot ni Gao Congming.
Habang papalapit sila ng papalapit sa mansyon, lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Xiao Zigi.
Pagkahinto ng sasakyan sa harapan ng mansyon, sinundan ni Xiao Zigi si Gao Congming papunta kay Yi Jinli, na nakaupo sa sofa habang may nilalarong papel.
Pagkalapit niya, nakita niya na ang papel na hawak nito ay ang invitation card para sa kasal nila ni Hao Yimeng.
"Nagkita tayo ulit." Pagbati ni Yi Jinli.
Gulat na gulat si Xiao Zigi sa sinabi ni Yi Jinli. Sa kasalukuyan, nakasuot ito mamahaling americana, at hindi kagaya noong nakita niya ito kagabi, nakahawi ang bangs nito kaya kitang kita ang gwapo nitong mukha.
Kahit lalaki siya, nagwagwapuhan pa rin siya kay Yi Jinli kaya nga hindi na bago sakanya na gustong gusto ito ng mga babae, at alam niya rin na halos lahat ng mga tagapag-manang kakilala niya ay gusto itong mapangasawa.
Pero ang hindi niya maipaliwanag ay bakit habang ti

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil