Kabanata 66
Nanlaki ang mga mata ni Ling Yiran sa sobrang gulat. Una, hindi niya inakalang magkwekwento si 'Jin', at pangalawa, kahit kailan hindi sumagi sa isip niya na ganun pala ang kwento sa likod ng pagkikita nila.
"Sorry."
"Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay niya kundi siya rin, kaya ate hindi mo kailangang mag'sorry."
'Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay niya kundi siya rin?' Hindi makapaniwala si Ling Yiran na ganun ang magiging sagot ni 'Jin'.
"Bakit hindi? Nainlove siya sa isang taong hindi niya naman dapat niya minahal. At noong nalaman nung babae na wala pala siyang kwenta, ganun-ganun nalang siyang iniwan. Kahit pa lumuhod at nagmakaawa na siya, iniwan pa rin siya ng babae at bandang huli, para siyang kawawa na namatay dahil hindi niya kinaya ang lamig." Base sa tono at ekspresyon ng mukha ni Yi Jinli, parang nagkwekwento lang siya ng ordinaryong kwento.
Pero ramdam sa aura niya ang lungkot at pagluluksa.
Para naman kay Ling Yiran, pakiramdam niya ay parang bum

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil