Kabanata 24
Tila ba hinatak ng hindi nakikitang tali, ang limang talisman ay lumipad sa ere bago dumikit sa limang magkakaibang parte ng katawan ni Emily.
Sa oras na kumapit sila, mukhang nag-alab sila. May itim na usok na lumabas sa gitna ng bawat talisman. Isang malakas na tunog ang maririnig ng mahati sa dalawa ang emerald pendant sa noo ni Emily.
Kasabay nito, sa kalapit na diner, may isang middle aged na lalakeng nakatitig sa phone ng masaya. Makikita dito ang malaking halaga na nagtansfer sa account niya. Pero sa sumunod na sandali, ng walang sabi-sabi, sumuka siya ng maraming dugo at nawalan ng malay sa sahig.
Maririnig ang sigawan sa ere habang nagpapanic ang mga kumakain.
Sa Shaw residence, tahimik ang lahat, pati si Hector. Hindi makapaniwala ang itsura nila.
Nakalimutan din ni Tilly na huminga. Noong napagtanto niya ang sitwasyon, nag-aalinlangan niyang iniabot ang kamay niya, pinapakiramdaman ang hangin sa itaas ng emerald at talisman para malaman kung may pandadayang naganap.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil