Kabanata 42
Gamit lamang ang ilang mga salita, agad na naging malinaw sa marami kung anong relasyon ni Francis kay Shannon.
Kahit na hindi gaano siyang kalakas na nagsalita, narinig siya ng mga bisitang nakapalibot sa kanya. Agad na naging palakaibigan at magalang ang tingin nila kay Francis.
Kung ang pamilya Gray ang pamilyang umampon kay Shannon, ibig sabihin may utang na loob ang pamilya Jensen sa kanila. Siguradong makikipagkaibigan ang ibang mga bisita sa kanila.
Kahit na hindi siya tumingin sa paligid, nararamdaman ni Francis ang agad na pagbabago sa mga ugali ng mga bisita at alam niyang nakuha na niya ang gusto niyang reaksyon. Hindi niya napansin ang ekspresyon ni Adam na umasim sa oras na nagsalita siya.
Noong nakita ni Adam ang pamilya Gray kanina, napagdesisyunan niyang tawagin ang security team para tahimik silang paalisin. Pero bago pa niya ito magawa, lumapit ang pamilya Gray.
Bilang businessman din, alam niya kung anong plano ni Francis. Basang-basa niya ito na parang libro.

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil