Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1353

"Mukhang isa tong malaking laban na sangkot ang maraming tao!" Kumunot ang noo ni Daniella. "Tara at tignan natin. Paano kung nandun ang mga kapamilya natin?!" "Sige!" Tumango si Fane at lumipad papunta sa direksyon ng tunog kasama ni Daniella. Pagkatapos nilang lumipad nang ilang sandali, nakakita sila ng higit isang dosenang kabataan mula sa Cabello family sa isang damuhan. Napapalibutan sila ng higit dalawampung henyo mula sa Lagorio family at isang dosena mula sa Hunt family. Mabangis na nakatitig ang dalawang pamilya sa biktima nila. May pito o walong henyong mula sa Cabello family ang nakahiga na sa lapag at hindi na hindi na sila humihinga. "Bw*sit. Napakawalang-hiya talaga ng Lagorio family. Talagang makipagtulungan sila sa Hunt family para patayin ang mga tao natin!" Sobrang nagalit si Daniella at nanginig siya. "Naroon rin ang pangalawa kong ate!" Nalulumong ngumiti si Fane sa sandaling makita niya siya mula sa malayo. Hindi siya nagulat sa ganitong pangya

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.