Kabanata 1747
Kumislap ang mata ni Lucian sa nakita niya. “Magaling! Kung titingnan, ang spada mo ay isang ultimate-grade spiritual tool, tama? Tsk, tsk, tsk… mapapasaakin rin ‘yan. Sa mga oras na ‘yun, matutulungan mo akong lumakas nang husto!”
Habang sinasabi ito, pinadaloy ni Lucian ang kanyang Chi sa spadang hawak niya at inatake niya si Fane.
“Howling Wolf Strike!”
Kasabay ng atakeng ito, isang malaking lobo ang nabuo mula sa makapal na Chi. Paglitaw ng malaking lobo, naglabas ito ng malakas at nakakatakot na aura. Umalulong ito nang malakas at kaagad na sumugod patungo kay Fane.
“Burning Chop!”
Sa harap ng ganito kalakas na atake, hindi naghinay-hinay s Fane at kaagad na ginamit ang kanyang Burning Chop technique. Ang atake niyang ito ay sumugod kasabay ng isang mahabang buntot na parang isang bulalakaw.
“Paano nagagawa ng isang taong nasa fourth-grade ultimate god-level na gumamit ng ganyan kalakas na atake?”
Nagulat si Lucian nang makita niya ang atake ni Fane. Ito ay dahil natapatan

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil