Kabanata 995
Tumawa si Old Master Chaffman ng may malaking ngiti sa kanyang mukha.
Hindi na nagpaabala pa si Fane at dumeretso na siya sa pakay nila. “Old Master Chaffman, nandito ako para sa isang bagay. Sa tingin ko hindi niyo na kami kailangang imbitahin na saluhan kayo sa pagkain at pag-inom. Lalo na’t nagkaroon kami ng alitan ng apo mo noon. Kaya sa tingin ko hindi ako matutuwa sa pagkain o sa pag-inom!”
“Isa lang iyong hindi pagkakaintindihan! Isang hindi pagkakaintindihan!”
Agad na sumabat si Peace ng may nahihiyang ngiti sa kanyang mukha. “Isang hindi pagkakaintindihan ang pangyayaring iyon. Ignorante at bastos ako noon, kaya nangyari yun. Pero kailangan kong sabihin ‘to, na talagang napakaganda ng dalawang Mrs. Woods. Brother Fane, maswerte ka na naging asawa mo silang dalawa. Naiinggit ako sayo!”
Agad na sumama ang ekspresyon ni Fane sa mga sinabi ni Peace. Sumagot siya ng may malamig at kontroladong boses, “Peace Chaffman, unang-una, huwag mo akong tawaging Brother Fane at huwag

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil