Kabanata 109
Humiga ako sa kama at tumingin sa gilid ng mukha niya. Hindi nagtagal, nakatulog na ako.
Palakas na nang palakas ang ulan sa labas, at sa sobrang ingay sumama ang pakiramdam ko. Naalimpungatan kong binuksan ang aking mga mata, binaling ang aking ulo upang tumingin kay Dixon, na mahimbing na natutulog. Tumalikod ako nang marahan at nagising siya.
Hinila niya ako sa kanyang yakap, mahina ang boses habang nagtanong, “Gising ka?”
Nagtataka akong nagtanong, “Bakit umuulan ulit?”
Labis na malakas ang ulan ngayong gabi. Tumigil ito saglit habang nililinisan ni Loraine ang kanyang sugat sa surgery room kanina.
Hindi ko inaasahan na uulan pala ulit.
Hinaplos ni Dixon ang aking ulo at ipinaliwanag, “Ang Wu City ay ang siyudad na laging inuulanan. Maya-maya, huhupa rin ito. Maghintay ka lang hanggang sa dumating ang tag-init, iyon ang totoong tag-ulan ng Wu City.”
Nanlamig ang buong katawan ko, at ang aking dalawang kamay ay mahigpit na nakapaligid kay Dixon habang nanlalambing ako at sinabing, “

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil