Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 59

Alam ni Loraine na nagkaroon ako ng kumplikadong relasyon sa lalaking minamahal niya. Gayunpaman, gumawa pa rin siya ng pagkukusang lapitan ako. Nasaktan ko siya sa mga tanong kong mapangusisa, ngunit siya ay palakaibigan at mabait pa rin sa’kin. Pinaramdam sa akin ng reaksyon niya na mali ang pagtrato ko sa kanya. Sana pinigilan ko na lang ang sarili ko na tanungin ang mga bagay na iyon... Binago ko ang usapin. “Kumain na tayo.” Hindi apektado si Loraine sa nakakahiyang sitwasyon na idinulot ko. Ang dami niyang in-order at sinabing, “Matagal na simula noong huli akong nilibre ni Ate Summer ng hapunan. Pagsasamantalahin ko na ang pagkakataon ko ngayong gabi. Maariba akong kumuha ng alak?” Ngumiti si Summer at sinabing, “Ikaw bahala. Si Carol na lang pababayarin ko ‘pag nagkulang ang pera ko. Siya naman ang mayaman dito.” Sinabi ko nang nakangiti, “Pero akala ko libre mo ‘to.” “Manghihiram lang ako ng pera sa’yo. Hindi naman parang hindi na kita babayaran, no.” Mukhang kaswal si Summer

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.