Kabanata 74
Sumimangot si Helen. “Sorry. Hindi ako sanay na may kahati ako sa kama.”
“Tut, tut… Napakainosente mo naman.” Ipinitik ni Vicky ang kanyang dila, ngunit di nagtagal ay mayroon siyang napagtanto. “Kung ganun, hindi kayo nagsama ni Frank sa kama habang kasal ka sa kanya? Ibig sabihin ba nun virgin pa siya? Well, kawalan mo ‘yun.”
Agad na sumama ang loob ni Helen at nagsalita siya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin, “Nagkakamali ka—may nangyari na sa’min.”
Pagkatapos, kinuskos niya ang kanyang baba na para bang inaalala niya ang nangyari, at dinagdag pa niya na, “Magaling siya. Pwede mo siyang subukan kung may oras ka.”
Tinikom ni Vicky ang kanyang mga labi, lumamig ang ekspresyon ng kanyang mukha bago siya tumawa. “Ayos lang ‘yun—walang problema sa pagkakaroon ng experience. Mas gusto ko yung mga hindi na virgin.”
Gayunpaman, napansin ni Helen ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Vicky at masaya siya na nalamangan niya siya. “Talaga? Kung ganun, sayo na siya. Pinagsawaan

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil