Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 13

Kung ganoon, isa lang siyang dekorasyon na pinakasalan ni Xavier para matuwa ang pamilya Fulton sa kaniya? Mas matindi ang naging epekto ng rebelasyong ito kaysa noong madiskubre niya ang relasyon nina Xavier at Sarah. Namutla ang buo niyang mukha habang dumidiin ang kaniyang mga ngipin sa ibaba niyang labi, namaga naman ang kaniyang mga mata nang dahil sa naguumapaw niyang mga luha. Sa loob lang ng ilang araw, agad na bumaliktad ang kaniyang mundo. Inakala niya na nanlalamig at wala lang pakialam ang kaniyang asawa pero nagaalala pa rin ito sa kaniya sa sarili nitong pamamaraan. Pero napagtanto niya na hindi talaga siya nito mahal dahil mayroon na itong ibang kinakasama. Nalaman na rin niya ngayon na pinakasalan lang siya ni Xavier dahil sa isang napakalayong rason na hindi niya magagawang maisip. Sa harap ng kagustuhan niyang makipagdivorce, agad na nagumapaw ang pait sa kaniyang dibdib. Pagkatapos ng isang napakahabang sandali, dahan dahan na ring kumalma ang kaniyang emosyon

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.