Kabanata 58
“Anong problema?” tanong ko, matalim at direkta ang tono ko.
Mas kalmado ang boses niya kaysa sa inaasahan ko kaya nagduda ako.
“Anong sinabi mo kay Jared?” tanong niya, bakas ang inis sa boses niya.
“Anong sinabi niya sa'yo?” sagot ko. Binaliktad ba niya ang mga bagay? Nagsumbong ba siya?
“Hindi mo kailangan malaman kung ano ang sinabi niya,” sigaw niya. “Tigilan mo na ang pakikialam sa buhay ko!”
Natigil ako at nagtaka sa bigla niyang galit. “Pakikialam? Ano bang sinasabi mo?”
Kalmado kong sinabi, “Huwag mong kalimutan, anak ko si Xavier.”
May hindi tama. Hindi lang basta depensibo ang tono niya—puno ‘yon ng takot. May nabuong kakaiba sa tiyan ko habang gumagapang ang nararamdaman kong pangamba.
“May tatlong minuto ka. Padalhan mo ako ng picture mismo ngayon ni Xavier,” sabi ko.
Bago pa siya makipag sagutan, pinatay ko ang tawag.
Ang kakaiba niyang pakikitungo at ang paraan kung paano niya banggitin si Jared ay gumulo sa isip ko. Kapag may ginawang kakaiba ang lalaki na ‘yo

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil