Kabanata 41
Walang alinlangang tumanggi si Jay. “Papa, mayroon na siyang bagong pamilya at sarili niyang mga anak. Hindi niya magagawang ibigay kay Jenson ang buo niyang pagmamahal. Pakiusap ‘wag mo sabihin kay Jenson na siya ang kaniyang ina. ‘Wag mo siyang paasahin para lamang masaktan siya.”
Ang matandang lalaki ay tumingin sa galit na mukha ng kaniyang anak at nagpumilit, “Jay, kahit na ayaw mo sa kaniya, siya pa rin ang ina ni Jenson. Ang pagmamahal sa pagitan ng mag-ina kahit kailan ay hindi mapuputol. Bakit hindi mo buksan ang puso mo at hayaan silang makilala ang isa’t isa? Para kay Jenson.”
Nang umalis si Jay sa study room ng matanda, siya ay mas nahihilo.
Gabing-gabi na noong umalis sila sa bahay nina Lolo’t Lola. Naglakad si Jay palabas ng villa, karga si Robbie sa isang braso. Nasisiyahang kumaway si Robbie kina Lolo at Lola. “Paalam, Lolo. Paalam, Lola. Paalam, Tita Josephine.”
Pagkatapos magpaalam, niyakap ni Robbie ang kaniyang Daddy. ‘Ang lakas naman ni Daddy. Kaya niya akong buhat

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil