Kabanata 446
Tinitigan siya ni Rose at sinabi nang may nahihiyang ekspresyon, “Mali ka ng akala. Wala siyang nagawa sa ‘kin!”
“Gusto pa rin kitang suriin!” Ang boses ni Jay ay nangingibabaw.
“Paano mo susuriin?” Nagtaka si Rose.
Sa isang iglap, lumapit sa kaniya si Jay...
Agad na nagsisi si Rose.
Sabi na pagsasamantalahan siya ng lalaking ‘to sa pamamagitan ng paggamit ng mga palusot. Kainis-inis!
Noong gabing ‘yon, sumailalim si Rose sa isang mental torture at pisikal na pagkawasak. Dahil sa balisa, nakatulog siya nang hindi niya namamalayan.
Nakatulog siya hanggang sa tanghali ng sumunod na araw noong magising siya nang mag-isa.
Kabubukas lamang ni Rose ng kaniyang mga mata at ngayon lamang nagkamalay, pagkatapos no’n, agad siyang napabangon.
Hinihinga ang sariwang hangin, bumuntong-hininga siya sa tuwa. “Buhay pa rin ako!”
Tumingin sa kaniya si Jay. “Bakit ang saya-saya mo?”
Biglang namalayan na may tao sa tabi niya, pinigilan niya ang itsura niyang natutuwa. Sinabi niya, “Ginoong Ares, gising k

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil