Kabanata 84
Mas maganda siguro kung walang nagbanggit sa pangalan ni Jay. Ang bawat balahibo sa katawan ni Rose ay tumayo nang marinig niya ang pangalan ni Jay.
“Hindi, kailangan ko na talagang bumaba para matago ang mga bata. Hindi ko pwedeng hayaan ang kapatid mong mahanap sila.” Gumewang si Rose nang subukan niyang tumayo.
Tinapon ni Josephine ang walang laman na bote ng wine sa basurahan at nahihilong sumunod. “Sama ako sa ‘yo.”
Ang dalawang lasing na babae ay kung saan-saan tumatama sa daan nila pababa. Hindi nila makita kung alin ang tamang direksyon dahil sa ganoong estado ng kanilang isipan. Sa huli, hindi nila napansing nakalabas na sila sa apartment.
Si Jay ay nasa labas, hinihintay ang kaniyang biktima. Nang makita niya ang mukha ni Rose, ang mukha na makikilala niya kahit na maging abo pa ito, agad siyang nabalot ng yelo.
‘Pambihira talaga ang mga taktika ni Rose. Una, ginawa niyang tapat sa kaniya si Josephine. Ngayong naloko na niya si Josephine, nagtutulungan silang dalawa para loko

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil