Kabanata 101
Nilagay ni Alex ang kaniyang mga braso sa likod niya at tumango habang nakatitig siya sa kaniyang pinsan. Hindi niya mapigilan ang bumuntong-hininga nang malalim.
Noon, ang mga taong ‘to ay lubos na magalang sa kaniya. Tinatawag pa siya ng mga ito na kanilang kuya. Gayunpaman, dahil sa mga nakaraang pangyayari, ang malambing niyang pinsan ay lubos nang nandidiri sa kaniya at iniinsulto siya. Para bang gusto na siya nitong apakan.
‘Ah sige, dahil basura rin naman ang trato mo sa ‘kin, bakit ko pa panghahawakan ang nakaraan nating relasyon?’
Kalmado niyang sinabi, “Hindi na makagalaw ang matanda? Ang bilis, ah. Sa tingin ko ‘yon ang tinatawag nating karma!”
Nagalit si Carol. “Ano’ng sinabi mo? Ang lakas naman ng loob mong pagsalitaan nang ganiyan si Lolo? Tao ka ba o peste? Dahil isang peste ang tatay mo, sa tingin ko peste ka rin!”
Biglang nag-angat si Alex ng isang braso at sinampal ang mukha ni Carol. Nagsimula itong mamaga dahil sa pwersa.
Ang ekspresyon ni Alex ay malamig at ang kan

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil