Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 442

Tumawa si Neil. “Winnie, kaya kitang tulungang palumpuhin sila, ngunit kailangan mong ipangako sa’kin ang isang bagay. Samahan mo akong manood ng pelikula bukas, irereserba ko para sa’yo ang buong sinehan.“ Sumagot si Winnie, “Sige.” “Magde-date tayo ha!” Tuwang tuwa si Neil, lumakad siya palapit kay Alex na may nakakalokong ngisi. “Hayaan mong magpakilala ako, sa Alaska, ako ang-–” Siningitan siya ni Alex. “Hindi na kailangan iyon, hindi ako interesado sa mga may saltik.” “Anong sinabi mo? Mamamatay ka na!“ Nasaksihan ni Neil kung gaano kalakas kayang sampalin ni Alex ang sinuman. Kaya’t alam niyang dapat siyang mag-ingat. Pagsara ng kanyang pamaypay, inasinta niya ang ulo ni Alex gamit ang sandata. Kung tatama ang atakeng ito, magiging paralisado ang utak ni Alex kahit na hindi siya mamamatay mula rito. “Mag-ingat ka, Alex!” Sumigaw si Michelle, nag-aalala para sa kaligtasan ni Alex. Itinaas ni Alex ang kanyang braso upang harangan ang atake habang humahampas sa kanya ang bakal na pa

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.