Kabanata 706
Nanlamig ang anit ni Waltz Fleur habang nakikinig.
Nanginginig ang mga binti niya.
Parang may iniisip si Alex Rockefeller. “Isa pa, kadalasang may kasamang isang klase ng symbiote ang demonic blood wisteria...”
Habang nagsasalita si Alex, nagsimulang kumamot si Waltz sa kanyang puson. “Ano ‘to? Ang sakit at makati. Parang kagat ng surot... Aray! Sobrang sakit! Senior, pwede bang tingnan mo,” tanong ni Waltz.
Agad niyang inangat ang laylayan ng tshirt niya.
Matapos itutok ang flashlight ng phone sa kanyang tiyan, nagulat siya.
Nakikita ni Waltz ang isang maliit, pulang bulaklak. Parang napakademonyo nito tingnan.
Higit sa lahat, tumubo talaga ito sa mula sa kanyang laman.
“Hala ka!” bulalas ni Alex.
Mabilis siyang lumuhod at idiniin ang kanyang palad na natatakpan ng espirituwal na enerhiya sa puson ni Waltz. Sa kabilang kamay naman, kinagat niya ang daliri hanggang sa dumugo ito bago mabilis na gumuhit ng siyam na kakaibang Zharvakko na anting-anting sa makinis na balat sa tiyan ni Wa

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil