Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1275

Natawa si Cade nang maisip niya iyon. “Sige. Hihintayin natin na dumating ang lahat bago tayo mag-usap. Tapusin na natin ang lahat ng away natin.” “Syempre, syempre.” Nakangiti sila Daryl at Sans. Biglang binago ni Cade ang usapan. “Dalawang araw na ang nakakaraan, pinatay ng isang Dashan ang isa sa mga tauhan ko. Inimbitahan ko din siya dito para sa isang laban upang ipaghiganti si Sanko. Pwede ko bang hingin ang tulong niyo kung sakaling mahirapan ako sa laban, mga ginoo?” Tumingin si Cade sa dalawa pang mga gang leader ng nakangiti. Kumunot ang noo ni Sans, ngunit tumawa namam si Daryl. “Syempre naman." Ngumiti si Cade, hindi na siya nagsalita pa. Nagdesisyon siya na gagamitin niya si Wilbur upang ipakita ang kakayahan niya. Oo, ididispatya ni Cade si Wilbur at malaking pera ang kukunin niya sa kanya, ipapaalam din niya sa kanila Daryl at Sans kung sino ang boss dito. Noong sandaling iyon, mayroong nagsalita sa may pinto, "Dumating na si Mayor Darben Slee ng Gamuda City.”

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.