Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1423

Tumango ng seryoso si Travis. Pinitik ni Wilbur ang mga daliri niya, at ang anim na pillar ng ilaw ay naglaho, nakalaya na si Travis. Hindi nagsalita si Travis, tumango siya kay Wilbur at umalis na siya. “Sir, bakit niyo po siya pinalaya?” Tila nalilito si Ben. “Patayin man o gamitin po siya bilang isang hostage, mas mabuti po ito kaysa ang palayain siya.” Ngumiti si Wilbur. “May dignidad tayong lahat. Kapag kumikilos tayo, mahalaga ang gamitin ang diplomasya bago ang karahasan. Kaming mga tao ng Dasha ay may ganitong prinsipyo.” Tumahimik si Ben, may pag aalala sa mukha niya. Ngumiti ng maliit si Wilbur. “Ako ang target nila ngayon. Hindi ka na mahalaga. Wag kang mag alala, magiging ayos ka na.” Pagkatapos itong sabihin, tinaas ni Wilbur ang kamay niya para tapikin ang balikat ni Ben, pero dahil matangkad at malaki si Ben, medyo kailangan pa ni Wilbur na tumayo ng mataas. Gayunpaman, agad na bumaba si Ben para saluhin ang tapik sa balikat. Natuwa si Wilbur, ngumiti siya. “Maini

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.