Kabanata 627
Dumilat ang mga mata ng matanda, at ang tingin niya ay napunta sa alak sa tabi ni Justin. Inagaw niya ito sa isang mabilis na kilos, tinanggal niya ang cork at inubos niya ang laman nito na para bang uhaw na uhaw siya.
Nang matapos ang matanda, pinunasan niya ang bibig niya at tumingin siya kay Justin. “Anong problema?”
“May tao po akong gusto kong patayin niyo, sir,” Ang sabi ni Justin.
Tumingin ang matanda kay Justin. “Makapangyarihan siguro sila para humingi ka ng tulong mula sa akin.”
“Opo. Sa tingin ko po ay isa siyang Sanctuary level cultivator,” Ang sabi ni Justin.
Tumawa ang matanda. “Nagiging matapang na kayong mga bata, hindi ba? Ginagalit niyo ang isang Sanctuary level cultivator, hm?”
“Kailangan po mamatay ng lalaking ito. Pakiusap, tulungan niyo po ako kahit ngayon lang, sir,” Ang sabi ni Justin.
Tumahimik ang matanda, bago nito sinabi, “Inalagaan mo ng mabuti ang pamilya ko sa nakalipas na dekada, binigyan mo ako ng oras at lugar para mag pokus sa cultivation. Pina

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda