Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 762

Tinaas ni Wilbur ang kamay niya sa harap para kamayan si Emperor Tyler. Hinawakan ni Emperor Tyler ang kamay ni Wilbur, hinila niya ito sa loob. Kumunot ang noo ni Wilbur, pero hindi siya nanlaban. Dumating silang dalawa sa sala, kung saan inimbita ni Emperor Tyler si Wilbur para umupo bago siya nagsimulang gumawa ng tsaa sa tsarera sa mesa. Nakatayo sa tabi si Zenith habang nakayuko na para bang malapit na siyang makatulog. Tila mahusay si Emperor Tyler sa paggawa ng tsaa, kumilos siya ng elegante at mahusay na para bang sinanay siyang propesyonal. Hindi nagtagal, nilagay niya ang isang tasa ng mabangong tsaa sa harap ni Wilbur. “Subukan mo, Mr. Penn. Masarap ang pagkakagawa ko dito.” Si Emperor Tyler ay nasa edad na thirties pero nagsasalita siya na para bang isa siyang batang hinihintay na mapuri. Uminom si Wilbur at tumango siya. “Masarap nga ito.” Ang katotohanan ay walang alam si Wilbur sa mga tsaa at hindi niya alam ang pagkakaiba sa masarap at hindi masarap na tasa ng

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.