Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 822

Nakita ito ni Harrod at hinawakan niya agad si Hannah, pingilan niya ito sa paggalaw. “Wag muna. Hindi ko pa nakukuha ang two billion,” Ang bulong ni Harrod. “Hayop ka,” Ang sabi ni Hannah. Ngumiti lang si Harrod, sumenyas siya kay Keith. Tumawa si Keith, dumiretso siya kay Harrod habang tumingin siya kay Hannah na parang isang gutom na halimaw. Pumikit si Hannah at nawalan ng pag asa. Hindi niya magawang isipin kung ano ang mangyayari sa kanya. Sa sandaling yun, may isang tao na bumaba mula sa kalangitan. Nanginig ang lupa na para bang may lindol. Ang mga kotse ay tumalsik sa ere bago ito bumagsak ulit sa lupa. Ang lahat ay nawalan ng balanse, nadulas sila, at bumagsak din sila sa lupa. May isang malaking ulap ng buhangin. Ang lahat ay tumingin ng gulat kung saan naglanding ang tao. Ang buhangin ay naging klaro at pinakita ang isang gwapong lalaki na may maikli at puting buhok. Nakatayo siya habang nasa likod ang mga kamay niya, tumitig siya ng malamig kela Keith at Harrod

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.