Kabanata 166
Noong marinig ni Meredith ang boses, nagliyab sa galit ang mga mata niya.
Sa nakalipas na tatlong taon, hindi siya nasiyahan sa malamig na pagtrato sa kanya ni Jeremy. Ngayon, biglang sumulpot yung babaeng 'to para akitin si Jeremy, dahilan para magalit siya nang husto.
Subalit, dahil sa nangyari sa KFC, pinipilit ni Meredith na kontrolin ang galit niya. Ngumiti siya at sinabing, "So ikaw pala yung Vera na diki ng dikit kay Jeremy…"
Sinabi niya ang mga salitang iyon kasabay ng paglingon niya. Subalit, bago pa man niya matapos ang sinasabi niya, nakita niya ang maganda at nakangiting mukha ni Madeline na dahilan para agad siyang manigas sa kanyang kinatatayuan.
Nanlaki ang mga mata niya at napanganga siya sa kanyang nakita.
"Paano, paano… Madeline?!" Hindi makapagsalita si Meredith at umatras siya. "Imposible 'to…"
Ayaw niyang maniwala sa kanyang nakita.
'Paano nangyari 'to?'
'Matagal nang naging abo yung bulag na p*tang yun, kaya paano siya sumulpot sa harap ko ngayon!'

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda