Kabanata 1741
Napansin niya na mga kamay ng isang babae ang humawak sa kanya.
Natulala siya, tumingala siya at sumalubong sa kanya ang malinaw at malalaking mga mata.
"Sabi ng doktor na kailangan maalagaan ang mga sugat mo para gumaling ka, kaya mabuti kung magpapahinga ka." Ang mahinahong sinabi ni Cathy habang dahan-dahan niyang inalalayan si Shirley na makabalik sa kanyang higaan.
Umupo si Shirley sa kama, at pagkatapos ay natawa siya.
"Sinong doktor ang nagsabi niyan? Gagaling pa ba ako sa lagay kong 'to? Kung hindi nila kayang gumawa ng pinakasimpleng konklusyon, hindi sila dapat naging doktor!"
Ininsulto niya ang ibang mga doktor habang tinitiis niya ang nararamdaman niyang sakit.
"Sa tingin ba ng mga hangal na yun na nagiging mabuti sila sa pagsasabi ng mga kasinungalingan? Hindi ko kailangan ng kabutihan nila! Sabihin niyo na lang na lumpo na ako at sira na ang mukha ko! Wala na akong pag-asang gumaling!"
Nang makita niyang malungkot si Shirley, seryosong nagsalita si Cathy.

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda