Kabanata 981
Nang marinig ni Jeremy ang sinabi sa kanya ni Lana ng buong galak, lalong lumamig ang kanyang mga mata.
Magandang balita?
Nabulag nga si Madeline, at para kay Lana, isa itong magandang balita.
Naalala niya kung paano pinuno ni Lana ng pekeng alaala ang kanyang isipan nung mga tatlong buwan na yun nung wala siyang maalala, at lalong lumamig ang kanyang tingin.
Hindi napansin ni Lana ang pagbabago sa mga kilos ni Jeremy. Sa halip, masaya siyang tumawa at sinabi, "Hmph, wala pa man akong ginagawa at bulag na siya agad. Haha! Mukhang maganda atang bisitahin ko siya ngayon para kamustahin."
Tinitigan siya ni Jeremy. "Anong gagawin mo sa kanya?"
Narinig ito ni Lana at nagsimulang mag-isip. Pagkatapos, nagsindi soya ng sigarilyo. "Um…"
"Lana, ito na ang pagkakataon mo." Tinignan ni Naomi ang mensahe at masayang ibinalita, "Malapit na ang ika-52 anibersaryo ng Whitman Corporation at tiyak na sisipot si Madeline doon.”
Naningkit ang mga mata ni Lana at nagsimulang gumawa ng plano

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda