Kabanata 127
“Matandang lalaki…”
Nang makita ang matatag na pag-uugali ni Tang Ruochu, tumingin ng nakakaawa si Zhao Xiaowan kay Tang Song.
Binuksan ni Tang Song ang kanyang bibig para magsalita, pero napatigil siya dahil sa mabangis na titig mula kay Tang Ruochu.
“Ma, ayos lang. Kung ayaw niyang pumayag na ibigay, hindi na kailangan magmakaawa sa kanya.”
Sa puntong ito, nagsalita na si Gu Ruoruo. Tila hindi siya nagulat sa mga nagaganap.
Magpapatuloy pa sana sa pakikipagtalo si Zhao XIaowan nang pinigilan siya ni Gu Ruoruo.
Siya ay ang mortal na kaaway ni Tang Ruochu. Inaasahan niya na tatangihan siya ni Tang Ruochu.
Gayunpaman, hindi nagpatalo si Gu Ruoruo. Dahil pinangako ito sa kanya ng pamilya Tang, gagawin niya ang lahat para makuha ang pera ng pamilya Tang.
Walang makakaagaw ng mga kahit anong bagay kay Gu Ruoruo!
Matapos ang isang hindi masayang pagpupulong, hindi na nagtagal si Tang Ruochu sa kanilang bahay. Pagkatapos niyang kunin ang ilang bagay sa bahay, agad na siyang umalis.

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda