Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 129

Nang magising na muli si Tang Ruochu, nakaupo sa tabi ng kama niya si Lu Shijin, hawak ang kanyang kamay. Nang makita niya na bumukas na ang mga mata ni Tang Ruochu, agad tumayo si Lu Shijin at hinimas ang kanyang mukha. Maamo niyang tinanong, “Kamusta ang pakiramdam mo? May masama ka pa bang nararamdaman?” Naging blanko ang utak ni Tang Ruochu ng ilang segundo. Naalala niya na binangga siya ni Gu Ruoruo at dapat nasa isang ospital siya ngayon. Pinakiramdaman niya ang katawan niya at kumikirot ito ng sobra. “Malala ba ang kondisyon ko?” binuksan niya ang bibig niya at nagtanong. Ngunit, sa sobrang gaspang ng boses niya ay pangit ang tunog nito. Tumango si Lu Shijin. “May ilang sugat ka sa mga binti at ulo mo.” “Kaya pala masakit ang ulo ko.” Mababal siyang umupo sa kama. Nabanat niya ang kanyang sugat sa binti at napaungol siya ng mahina. Namutla ang mukha niya dahil sa kirot. Agad siyang maingat na tinulungan ni Lu Shijin. “Gusto mo ba na tumawag ako ng doktor?” Umiling siya

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.