Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 204

“Balae, totoo ba ‘yon? Bakit biglang ipinasa ni Tang Song kay Ruoruo ang kanyang mga shares?” Tumingin si Qin Silian kay Zhao Xiaowan na parang naghihinala. Tila nagdududa siya sa kredibilidad ng mga sinabi niya. Agad na gumawa ng paliwanag si Gu Ruoruo. “Ma, syempre totoo po ‘yon! Bago ang lahat ng mga ito, ipinangako po ng papa ko na basta’t magpakasal kami ni Yinfeng, bibigyan niya ako ng 20% ng mga shares ng Tang Group. Kahit na mas mababa po ‘yon kaysa sa shares ni Tang Ruochu, kwalipikado pa rin po ako para manahin ang Tang Group. Bukod pa doon, wala pong tulong na ibinibigay si Tang Ruochu sa pamamahala ng kumpanya sa mga nakalipas na taon. Hindi magtatagal, mapupunta na rin po ito sakin. Kapag dumating po ang panahong ‘yon, mas magiging malapit na ang mga Tang at Ji. Kapag may nangyari po sa mga kumpanya natin, pwede tayong magtulungan. Ano po sa tingin nyo?” Matalino si Gu Ruoruo. Alam niya na may plano dapat siya para may sasalo sa kanya. Kakaiba nga talaga na biglang nap

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.