Kabanata 209
Mahirap talagang harapin ang babaeng ito.
Hindi napigilan na sumimangot ni Li Na. May sasabihin pa lang siya para tulungan si Tang Ruochu palabas ng sitwasyon na ito.
Gayunpaman, naunahan siya ni Tang Ruochu. Sinabi niya ng medyo matamlay na boses, “Managing Director, mukhang marami po kayong masasabi tungkol sa pagiging Deputy Manager ko.”
Malupit na sinabi ni Su Tian’ai, “Tinitingnan ko lang ito mula sa pananaw ko. Hindi kailangan ng Media Department ng dalawang Deputy Manager. Kaya simula ngayon, tanggal ka na mula sa posisyon mo!”
Ang ekspresyon niya ay nagbadya na wala nang lugar para pag usapan ito.
Nang marinig ito ng mga nasa paligid nila, patago silang umiling lahat. Ang tingin nila kay Tang Ruochu ay napuno ng awa.
May ilan pa sa kanila na inisip, “Lapitin talaga ng gulo ang Tang Ruochu na ‘to. Kahit saan siya magpunta, may ginagalit siya.”
Nahulaan na ni Tang Ruochu na ito ang mga sasabihin niya. Bigla siyang tumawa ng malamig. “Managing Director, palautos ka talaga.

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda