Kabanata 256
Ayaw niyang ipaalam na nabibighani siya sa lalaking ito. Kaya naman, sinubukan niyang baguhin ang usapan. “Ang sarap ng niluto mong lugaw.”
“Alam ko,” sabi niya nang may marahan na tawa.
Walang imik si Tang Ruochu.
Hindi siya nagpakita ng pagiging mapagkumbaba.
“Um… Shijin…” sumubo si Tang Ruochu ng lugaw ng may pag-aalangan sa kung paano niya sisimulan ang usapan.
“Anong problema?” nang makita niya na tila namomroblema si Tang Ruochu, kumunot ang mga kilay ni Lu Shijin.
“Kasi ano…” itinikom ni Tang Ruochu ang kanyang mga labi, at pagkatapos ng ilang sandaling pag iisip, ipinagpatuloy niya, “Shijin, ayaw ko na pabayaan mo ang trabaho mo ng dahil sa akin.”
Nang marinig niya ito, itinaas ni Lu Shijin ang kaniyang mga kilay. “Hindi ko pinapabayaan ang trabaho ko.”
“Anong ibig mong sabihin na hindi? Dapat nasa opisina ka sa oras na ‘to, pero ngayon, nandito ka nagluluto ng lugaw para sakin at kumakain kasama ko.”
Habang pinagmamasdan siya na may itsura ng di pagsang-ayon, nagbigay

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda