Kabanata 40
“Salamat! Matamis din ang mga sinabi mo.”
Ang sagot ni Tang Ruochu habang pinipigilan ang sariling tumawa. May hula na siya kung sino siya, kaya’t hindi na siya nagbalak magsalita pa ng iba. Kung ibang tao ito, baka nasabihan niya na lumayas.
“Hindi, sinasabi ko lang ang totoo. Libre ka ba sa tanghali? Ito ang unang pagkakakilala natin, kung gusto mo ililibre kita ng tanghalian? Pwede natin buuin ang pagkakaibigan natin!”
Nakita ni Lu Shengyao na walang senyales na hindi ito gusto ni Tang Ruochu, kaya’t mabilis niyang kinuha ang pagkakataon na magtanong.
“...”
Wala nang pag asa si Mu Ling. Dasal mula sa puso na lang ang maibibigay niya sa Ikatlong Young Master.
Hindi napigilan ni Tang Ruochu at tawa niya at sinabi, “Base sa mga pick-up line mo, siguro eksperto ka na.”
“Paano mo naman nasabi yan? Minsan lang para sakin makakilala ng isang magandang binibini. Bagama’t mukha akong hindi seryoso, tapat talaga ako.”
Taimtim na ipinagtanggol ni Lu Shengyao ang kanyang reputasyon.
Um

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda