Kabanata 46
Nang pumasok si Tang Ruochu sa opisina kinabukasan, hindi parin nawawala ang epekto ng mga nangyari noong nakaraang gabi. Marami sa kanyang mga katrabaho ay napapatigil kapag nakikita siya, at may kakaibang tingin sila sa kanya na hindi mawari.
Sanay na si Tang Ruochu sa pagtrato sa kanya ng mga katrabaho niya, kaya’t hindi niya na lang ito pinansin at dumiretso na sa kanyang mesa.
Lumapit si Song Anyi at sinabing, “Tang Ruochu, mabuti naman at bumalik ka na sa opisina. Heto ako isip nang isip kung gaano kasama ang loob mo sa mga nangyari at nangangamba ako na baka maisipan mo na magpakamatay.”
Tumawa si Tang Ruochu at sinabing, “Mukha ba akong isang tao na basta basta na lang magpapakamatay?
“Hindi, pero mali pa din na bigla kang mawawala ng ganun. Alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo kagabi?” ang sabi ni Song Anyi.
Hinanap siya ni Song Anyi buong umaga pero ang phone ni Tang Ruochu ay nakapatay. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang lumabas sa publiko ang recording.
“Pasens

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda