Kabanata 106
Nang nakapagpahinga na si Willow, nagtipon kami sa hapag-kainan para maghapunan.
Naglaway si Howard sa pagkaing nakalatag sa harapan niya.
Nang mapansin ang pag-aalinlangan niya, nag-alala si Zane na baka mahiya siya. Kung kaya't naglagay siya ng pagkain sa plato ni Howard.
Mabilis na nagsabi si Howard, “Oh, wag, ako na. Ako nang kukuha ng pagkain ko.”
“Wag kang mahiya.” Malamig pa rin ang tono ni Zane.
Tumingin ako kay Zane. Kakaiba kung paanong napakasungit niyang tignan sa panlabas ay napakamaalalahanin naman niya sa loob.
“Mommy!” Pagkatapos malamnan ang sikmura niya, bumalik na naman ang sigla ni Willow. “Kapag nagsanay akong maigi araw-araw, magiging maalamat na martial arts master rin ba ako?”
Hindi pa nga siya nagsisimulang magsanay sa martial arts o sa boxing at nakalimutan na niya ang tungkol sa pagiging boksingero. Ngayon, may bagong pangarap na siya.
Nang hindi sigurado kung anong ibig niyang sabihin sa maalamat na martial arts master, nakangiti akong nagtanon

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda