Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa
Ang Nabawing RosasAng Nabawing Rosas
Oleh: Webfic

Kabanata 550

Galanteng sabi ni Sasha, “Wag kang mag-alala. Libre ko.” Lalo na't sulit ang gumastos ng kaunting pera para pahirapan si Yvonne. Kahit na alam ni Sasha na di madaling kumita ng pera, kaya niya pa ring manlibre. Kinakabahang napalunok si Shane. “Pwede ba akong umorder ng kahit na anong gusto ko?” Naisip kaagad ni Sasha ang tendensiya niyang magwaldas at nag-aalala siyang baka umorder siya nang sobrang dami na lalampas ito sa buong buwanang sahod niya. Kung kaya't mabilis niyang dagdag, “Pwede kang umorder ng kahit na anong gusto mo, basta't hindi ka lalampas ng isandaang dolyar. Kapag lumampas ka, bahala ka na sa buhay mo.” Naisip ni Sasha na mas magandang maglagay ng malinaw na hangganan ngayon kaysa magulat siya mamaya. Reklamo ni Shane, “May trabaho at bonus ka. Talaga bang ganun ka kagipit sa pera?” Nang hindi nagpatumpik-tumpik, sagot ni Sasha, “Hindi ganun kataas ang sahod ko. Mabuti na nga at ililibre pa kita. Kung masyado tong mababa para sa'yo, kalimutan mo na lang.”

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.