Kabanata 705
Nagtaka si Otis. Hindi ba dapat uto-uto si Steven? Sabi ng lahat ay madali siyang maloko at maniniwala siya sa kahit na ano basta't sabihin ito nang parang kumbinsido.
Pero kahit gaano pa subukang magpaliwanag mo Otis, nagpatuloy si Steven na manghingi ng ebidensya? Hindi siya kagaya ng mga sabi-sabi!
Tinakpan ni Steven ang pagkamuhi sa mga mata niya. Baka naniwala siya sa mga salita ni Otis kung hindi niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkabata ni Annalise.
Kalmado niyang sabi, “Hindi basta nawawala ang mga record kahit gaano karaming taon na ang lumipas. Kung hindi mo mahanap yun, ibigay mo sa'kin ang phone mo. Tutulungan kitang magtingin.”
Nanigas si Otis habang iniunat ni Steven ang kamay niya. Alam niyang wala siyang maaatrasan kapag hindi siya gumawa ng palusot ngayon. “Mahalaga ba yun?” Sinubukan niya itong iwasan.
Hindi pa rin natinag si Steven. “Syempre. Nirerespeto kita bilang nakatatanda, pero maging mga nakatatanda ay dapat suportahan ang mga salita nila ng pruweba.

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda