Kabanata 727
Seryosong pinag-isipan ni Willow ang mga sinabi ko; pagkatapos, sumang-ayon siya sa'kin. Gayunpaman, malungkot niyang sabi, “Kung matutulog ulit kayo nang magkasama mamayang gabi, kailangan niyong sabihin sa'kin!”
“Syempre naman!”
Ang totoo ay naawa si Zane kay Willow. Lalo na't maliit pa siya noong namatay ang mga magulang niya, kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong matulog sa iisang kama kasama ng mga magulang niya. Sa halip, lagi siyang natutulog mag-isa.
Sabi ni Zane, "Pero nagtatrabaho kami ni Mommy hanggang gabi. Makakaapekto ba iyon pagtulog mo?"
Agad namang umiling si Willow at sinabing, “Hindi! Mabilis at mahimbing ang tulog ko! Kahit nakikinig ka ng music, hindi ako maiistorbo."
Nang marinig iyon, gumaan ang pakiramdam ni Zane. Sabi niya, "Mabuti naman.”
Gayunpaman, nag-aalala pa rin si Willow. Pinunasan niya ang mga luha niya at tinitigan naman ako. Nang mapansin ko iyon, tumawa ako at sinabing, "Nangangako akong magsasabi ako sa'yo."
Doon lang napanatag si Willow

Klik untuk menyalin tautan
Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda
Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda