Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa
Ang Nabawing RosasAng Nabawing Rosas
Oleh: Webfic

Kabanata 747

Gayunpaman, hindi nagpakita si Zane. Hindi ito maintindihan ni Yelena. … Pagkatapos ng hapunan, sinama ko si Willow para sunduin si Zane. Hindi pa kami nakakarating sa pintuan ng hotel nang lumabas siya. Dumapo ang malumanay na mga mata niya sa amin ni Willow habang nagtanong siya, "Hindi ba ang laking abala na pumunta kayo rito para lang sa akin?" Agad na yumakap si Willow sa mga bisig niya. "Hindi naman, Daddy! Masaya ako basta't makita kita." Niyakap siya ni Zane nang may matamis na ngiti. "Ganun ba?" Malakas na tumango si Willow. Pagkasakay ko sa kotse, iniabot sa’kin ni Zane si Willow. Hindi pa kami nakakaayos nang nakahabol si Yelena, nang may mga matang namumula sa pag-iyak. “Zane, alam mo ba kung anong nangyari sa'kin?” tanong niya. Tumingin si Zane sa kanya. “Ano?” Hawak ang laylayan ng damit niya, sabi ni Yelena, "Muntik na akong mapagsamantalahan sa party, tapos tumayo ka lang at walang ginawa?" Naguluhan si Zane, hindi siya sigurado sa inaasahan niyang gagawin ni

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.