Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa
Ang Nabawing RosasAng Nabawing Rosas
Oleh: Webfic

Kabanata 90

Karamihan ng mga magulang ay mas gustong matuto ang mga anak na babae nila ng magaganda at eleganteng abilidad kagaya ng pagsayaw o pagtugtog ng piano, at inisip ni Willow kung ganun din ba si Zane. Inisip niya bang masyadong magaspang o hindi nababagay ang martial arts para sa isang batang babae? Napuno ng dismaya si Willow, at anomang liwanag ang mayroon sa mata niya kanina ay naglaho. “Syempre hindi,” mabilis na sabi ni Zane. “Masaya ako tungkol dito.” Napanganga si Willow sa kanya, at nagpaliwanag siya kaagad, “Kapag natuto ka ng martial arts, pwede mong ipagtanggol ang sarili kahit na wala ako sa paligid. Bakit di ako matutuwa tungkol diyan?” Sa sobrang pagkabigla ni Willow ay hinawakan niya ang pisngi niya at hinalikan ang buong mukha niya. “Ang galing mo talaga, Daddy!” “Ngayon, heto ang problema,” sabi ni Zane. “Gusto mo bang kumuha ng instructor para makakuha ng private lessons sa bahay, o gusto mong pumasok sa isang public class?” Nang nahirapang pumili sa dalawang pag

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.