Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 169

Boss? Hindi makagalaw si Sandy at nanginginig ang kamay niya habang hawak nito ang mouse ng computer. Ang tanging naririnig lamang niya ay ang pagtawag ni Logan kay Carlisle ng “Boss.” Hindi siya makapag-isip. Talaga bang boss niya itong 17 o 18-year-old na batang ito? Sinubukan pa naman niyang landiin siya. Lalong sumama ang ekspresyon ng mukha ni Sandy. Hindi niya kasi alam kung anong klase ba ng tao itong boss niya. Mawawalan na ba siya ng trabaho? Kahit ang babaeng nasa katapat na workstation niya ay natulala rin. Dalawang araw pa lamang siya sa company na ito ay nabalitaan niya na agad na napakabata nga raw talaga ng amo nila. Ngunit, hindi naman niya inakala na ganito kabata. Base sa hitsura ni Carlisle, nasa bandang 17 o 18 years old lang siya. Ngayon, hindi makatingala yung isang staff member kanina na nagtanong kung kaninong anak si Carlisle. Hinihiling niyang sana ay makapagtago siya sa ilalim ng kaniyang lamesa. Samantala, nagbukas naman ng isang milk candy si Carlisle at s

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.