Webfic
Buka aplikasi Webfix untuk membaca lebih banyak konten yang luar biasa

Kabanata 1001 Isang Milenyong Kasaysayan

Mukhang matanda ang lalaking naghihintay sa kanya, subalit, hindi pa nakikita ni Shimon ang lalaking ito sa tanang buhay niya. Binati siya nang masigla ng lalaki. “Kayo siguro si Mr. Shimon Flinders? ” Nagulat si Shimon. Sigurado talaga siyang hindi niya pa nakikilala ang taong ito. Pinalitan b ani Louis ang mga tauhan niya? Ganoon pa man, nanatili lamang ito sa kanyang isip at hindi niya ito sinabi nang malakas. Tumango si Shimon. “Oo.” “Hinihintay ka ng master. Pakisundan na lang ako.” Dinala ng lalaki si Shimon sa loob ng isang hasyenda sa isla. Dahil madilim na, hindi makilala ni Shimon ang tinatahak nilang daan pero may pakiramdam siya na para bang maze ang dinadaanan nila sa dami ng liko. Kakaiba ito kumpara sa lugar na pinagkitaan nila Louis noong nakaraan. Sa kabila ng kanyang pagtataka, pinigilan ni Shimon ang kanyang sarili na magtanong. Pumasok na ang dalawa sa isang hasyenda at tinahak nila ang isang daan na marami uling liko saka nila narating ang isang pinto na m

Klik untuk menyalin tautan

Unduh aplikasi Webfic untuk membuka konten yang lebih menarik

Nyalakan kamera ponsel untuk memindai, atau salin tautan dan buka di browser seluler Anda

© Webfic, hak cipta dilindungi Undang-undang

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.